Paglaganap ng breast cancer bibigyang pansin ng pamahalaan
November 18, 2001 | 12:00am
Dahil sa dumaraming bilang ng mga babaing namamatay sanhi ng breast cancer, dalawang panukalang-batas ang inihain kamakailan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na naglalayong labanan ang nasabing karamdaman.
Sa Asya, ang Pilipinas ang nangunguna sa pinakamaraming bilang ng nagkakasakit ng breast cancer at ayon sa pinakahuling istatistika, noong 1998 ay umaabot sa bilang na 9,436 ang namatay dahil sa breast cancer.
Sa House Bill No. 3632 ni Cebu (3rd Dist.) Rep. Antoio Yapha Jr., inatasan nito ang pamahalaang lokal na magsagawa ng quarterly breast cancer detection program upang maagang matuklasan ang karamdaman at malapatan agad ng lunas.
Kadalasan umanong nagiging sanhi ng paglala ng sakit na ito ay ang kawalan ng kaalaman tungkol dito.
Sinabi pa ni Yapha na sa kabila ng ginagawang kampanya ng Department of Health tungkol sa breast cancer ay marami pa rin sa mga kababaihan ang nagbabalewala nito.
Unang dahilan umano ay ang pagkatakot ng mga kababaihan na matuklasan ang kanilang sakit at ang matinding takot sa gastusin na kanilang kahaharapin dahil sa pagpapagamot.
Hindi umano nalalaman ng mga may breast cancer na mas malaki ang kanilang gagastusin kapag hindi maagapan ang kanilang karamdaman, bukod pa sa malaking posiblidad na maaari silang mamatay. (Ulat ni Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am