^

Metro

Tomboy na guro nagbigti

-
Isang 27-anyos na high school teacher na sinasabing isang tomboy ang labis na naaapektuhan ng kumakalat na balitang may mahigpit na manliligaw na lalaki ang kanyang nobya, ang iniulat na nasawi makaraang magbigti sa ikalawang palapag ng kanyang inuupahang dormitoryo, kahapon ng madaling araw sa Malate, Maynila.

Ang nasawi ay nakilalang si Donabel Grace Geslani, guro sa isang catholic school ay nadiskubreng nagbigti gamit ang isang nylon cord sa may fire exit ng Queen of Peace Dormitory na nasa Mabini St., Malate dakong alas-5:30 ng madaling araw.

Ayon sa pagsisiyasat ni Det. William Gondranios, may hawak ng kaso noon pang Huwebes ng gabi kinakitaan ng kakaibang kilos ang biktima.

Nabatid ng pulisya na nagseselos umano si Geslani sa nababalitaan niyang mayroong masugid na manliligaw na lalaki ang kanyang nobya na siyang madalas nilang pag-awayan.

Napag-alaman pa sa pulisya na maaaring nahahalata ng nasawi na mayroong pagtingin sa lalaking manliligaw ang kanyang nobya at handa na siyang ipagpalit nito kung kaya nagpasya na lamang itong magpakamatay.

Natagpuan ng mga awtoridad ang isang suicide note na sulat kamay ni Geslani para sa kanyang nobya na kinilalang si Kakay na nakaloob sa selyadong brown envelope na nagsasaad ng sama ng loob nito sa pangyayari.

Samantala, isang masusing imbestigasyon pa rin ang isinasagawa ng pulisya. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

AYON

DONABEL GRACE GESLANI

GEMMA AMARGO

GESLANI

HUWEBES

ISANG

KAKAY

MABINI ST.

QUEEN OF PEACE DORMITORY

WILLIAM GONDRANIOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with