Misis na nanunog ng mister sumuko
November 17, 2001 | 12:00am
Matapos ang ilang araw na pagtatago at nang hindi na ito patahimikin ng konsensiya ay tuluyan na ring sumuko sa mga awtoridad ang isang ginang na sumunog at nakapatay sa kanyang asawa sa Valenzuela City.
Kinilala ng pulisya ang suspect na misis na ngayon ay nakaditene sa Valenzuela City jail na si Gennilyn Ligad, 24, tubong Agusan del Norte at residente ng Sitio Kabatuan, Gen. T. de Leon ng nasabing lungsod.
Samantala, namatay habang ginagamot sa Jose Reyes Memorial Center ang biktimang si Tirso Ligad, 27, construction worker sanhi nang matinding pagkasunog na tinamo nito sa katawan.
Base sa ulat ng pulisya, noong Nobyembre 1, 2001 dakong alas-12 ng tanghali nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng mag-asawa.
Napag-alamang lasing sa alak ang biktima at nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa hinggil sa madalas umanong paglalasing ng una.
Binanggit pa sa ulat na matapos ang naturang pagtatalo ay nagpahinga na ang mister na siya namang nagbigay ng pagkakataon sa suspect upang buhusan nito ng kerosene ang katawan ng biktima at saka sinindihan.
Dahil sa naramdamang hapdi sa katawan ay dali-daling lumabas ng bahay ang biktima at nagtatakbo habang nagliliyab. Nakuha pa nitong tumalon sa Tullahan River para maapula ang apoy sa kanyang katawan.
Mabilis namang sumaklolo sa biktima ang ilan nilang kapitbahay at isinugod ito sa pagamutan subalit makalipas ang ilang araw ay binawian na ito nang buhay.
Kahapon ng umaga ay sumuko na ang suspect na ginang kasama ang kanyang bayaw dahil sa umanoy pag-usig sa kanya ng kanyang konsensiya. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended