^

Metro

20- anyos na estudyante, nagbaril

-
Isang 20-anyos na estudyante ang iniulat na nagbaril sa sarili matapos na pagbintangan na siyang kumuha ng P3,000 cash sa kanilang bahay sa Brgy. East Rembo, Makati City, kamakalawa ng gabi.

Nagtamo ng isang tama ng bala ng baril sa kaliwang sentido si Sabrina Tolentino. Ito ay kasalukuyang ginagamot sa Ospital ng Makati.

Ayon kay PO3 Juvenal Barbosa, may hawak ng kaso, naganap ang insidente dakong alas-3 ng hapon sa bahay ng pamilya Tolentino sa Brgy. East Rembo sa Makati City.

Napag-alaman na kararating pa lamang buhat sa eskuwelahan ni Sabrina nang komprontahin ito ng kanyang ina tungkol sa nawawalang P3,000 na nakalagay sa kanyang bag.

Itinanggi naman ng dalaga ang akusasyon sa kanya at sinabing hindi niya iyon magagawa.

Napag-alaman na posibleng dinamdam ng dalaga ang bintang sa kanya kung kaya mabilis itong pumasok ng kanyang kuwarto at ilang minuto lamang ang nakalipas ay narinig na ang malakas na putok ng baril.

Nang puntahan ng kanyang ina, ay nakita nito ang anak na nakabulagta na sa kama at duguan. Mabilis naman itong isinugod sa pagamutan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

BRGY

EAST REMBO

ISANG

ITINANGGI

JUVENAL BARBOSA

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

NAPAG

SABRINA TOLENTINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with