PNR employees paparalisahin ang daloy ng trapiko sa MM
November 16, 2001 | 12:00am
Paparalisahin ng humigit-kumulang sa dalawang libong kawani ng Philippine National Railways (PNR) ang daloy ng trapiko sa buong Kamaynilaan at karatig lalawigan sa pamamagitan nang pagharang ng tren sa gitna ng kalsada kapag hindi umano sinibak ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang kanilang general manager na sangkot sa kasong graft sa Ombudsman.
Ito ang naging babala ng may 1,700 miyembro ng Bagong Kapisanan ng mga Manggagawa ng PNR sa sandaling pormal na umano nilang simulan ang malawakang kilos-protesta laban kay General Manager Jose Ma. Sarasola II.
Napag-alaman na si Sarasola ay sinampahan kamakailan ng kasong graft sa Ombudsman ni Edgar Bilayon, pangulong kawani ng PNR.
Sa kanyang reklamo, binanggit nito na noong Hulyo 6 at Agosto 9, 2001 ay nag-overprice si Sarasola ng halos 17 milyon dahilan sa pagbili ng mga spare parts ng tren mula sa Dundee Commercial Inc. at Irontrade Enterprises Inc.
Bukod dito, idinadaing din ng mga kawani ng PNR ang umanoy harassment ni Sarasola sa mga kawani katulad ng union busting at puwersahang paglilipat ng puwesto sa ilang opisyal dito at ang umanoy pagmamaniobra nito para suspendihin si Bilayon. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest