Lotto player sa Caloocan nalo ng P 112M sa lotto jackpot

Isang lotto player sa Caloocan City ang tumama sa 6/45 Megalotto jackpot price na umaabot sa P112,365,319.20, ang pinakamalaking lotto jackpot sa taong ito, ayon sa mataas na opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sinabi ni Condrado Zabella, assistant general manager sa on-line lotto sector na ang hindi pa nakikilalang lotto winner na pumili ng numerong 05-04-13-32-06-22 combination ay siyang 456th lotto millionaire sa bansa.

Ang 6/45 megalotto jackpot na binola noong nakaraang Miyerkules ay ang pinakamalaking jackpot price sa taong ito.

Ang nanalong numero ay tinayaan sa PCSO on-line lotto outlet sa Mabini Street sa Caloocan City. (Ulat ni Perseus Echeminada)

Show comments