Sa ulat na nabatid lamang kahapon, nagawa ni Rosemarie, 53, tubong Bacolod na manlaban sa kanyang mga abductors at magsisigaw na siyang nakatawag ng pansin sa maraming tao sa lugar.
Dahil sa maraming tao ang pumaligid at handang tumulong kay Rosemarie napilitan ang apat na kidnappers nito na bitiwan ang kanilang biktima na tinangka nilang ilipat ng sasakyan buhat sa sinasakyan nitong limousine.
Gayunman, nagtamo ito ng ilang pasa sa leeg at katawan at bali sa kanang kamay.
Si Rosemarie na dumating lamang sa Maynila noong nakalipas na Sabado ay nagpasyang paikliin ang kanyang bakasyon kasabay nang pagsasabing "hindi na umano ligtas na manatili sa Manila".
Napag-alaman na galing si Rosemarie sa Mandarin Hotel sa Makati at pauwi na ito sa Alabang nang harangin ng mga suspect ang kanyang limousine sa may viaduct sa South Superhighway. (Ulat ni Rey Arquiza)