^

Metro

2 dalaga nagpakamatay

-
Dalawang dalaga ang iniulat na nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbibigti kahapon ng umaga sa magkahiwalay na lugar sa Las Piñas at sa Parañaque City.

Sa Las Piñas, iniulat na nagpakamatay si Jennifer Capellan, ng Mahogany St., Brgy. Almanza ng nabanggit na lungsod.

Base sa ulat, dakong alas-5 ng umaga kahapon nang matagpuan ang bangkay nito na nakasabit sa kisame sa loob ng kuwarto ng kanyang pinsan.

Nabatid pa sa pulisya na bago natuklasan ang ginawa nitong pagpapakamatay, kamakalawa ng gabi ay nakasagutan nito ang sariling ina dahil sa umano’y kawalan ng trabaho ng dalaga.

May hinala ang pulisya na dinamdam ito ni Jennifer kaya nagpasyang magpakamatay.

Samantala sa Parañaque, iniulat na nagpakamatay din si Dolores Comaling, 25, ng San Bartolome St., Brgy. San Antonio ng lungsod.

Base sa ulat, dakong alas- 6 ng umaga kahapon nang matagpuan ang bangkay nito sa isang bakanteng apartment sa nabanggit na lungsod.

Nabatid sa isang kaibigan nito na bago naganap ang pagpapakamatay ng kanyang kaibigan ay nabanggit sa kanya nito na natuklasan niyang may asawa ang kanyang nobyo.

Maaari umanong labis na dinamdam ni Dolores ang natuklasang balita kaya nagpasya itong kitlin ang kanyang buhay.

Samantala, patuloy pa rin naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya ukol dito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BRGY

DOLORES COMALING

JENNIFER CAPELLAN

LAS PI

LORDETH BONILLA

MAHOGANY ST.

NABATID

SA LAS PI

SAMANTALA

SAN ANTONIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with