^

Metro

Movie writer itinumba ng 1 bala

-
May posibilidad na planado ang isinagawang pagbaril at pagpaslang sa isang movie writer ng Pilipino Star Ngayon (PSN) ng isang hindi nakikilalang lalaki sa loob ng isang aircon bus, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Hindi na umabot nang buhay ang biktimang si Robert Perez, 27, ng pahayagang ito at naninirahan sa 15 Aldrin St., Doña Faustina Subdivision, Tandang Sora, Quezon City nang isugod ito sa Far Eastern University dahil sa tinamong tama ng bala ng baril sa tainga na tumagos sa ulo.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Armando Lanorio ng Central Police District (CPD) Station 5, naganap ang insidente dakong alas-9:45 ng gabi habang ang biktima ay lulan sa isang aircon bus na Lucky 7 na may plakang PXN 904 at dumadaan sa kahabaan ng Regalado sa Fairview.

Sinabi ni Carmelo Pagadia, kasama ng nasawi ng maganap ang krimen na magkatabi pa sila ni Perez sa unang bahagi ng bus ng bigla na lamang niyang narinig ang malakas na pagputok ng baril.

Napayuko na lamang siya at nang itaas niya ang kanyang mukha ay nakita na niya na duguan ang katabi niyang si Perez.

Binanggit pa nito na nagkagulo sa loob ng nasabing bus habang sinamantala naman ng suspect na mabilis na tumakas dala ang gamit na baril.

Mabilis na isinugod nina Pagadia, bus driver at konduktor si Perez subalit hindi na ito umabot pang buhay.

Binanggit pa ni Pagadia na kasabay umano nila na sumakay sa naturang bus ang sinasabing suspect.

Narekober sa lugar na pinangyarihan ng krimen ang tatlong basyo ng bala ng baril, habang isinasagawa pa ang masusing imbestigasyon ukol dito.

Wala pang linaw kung ano ang motibo sa isinagawang pagpaslang kay Perez. (Ulat ni Jhay Mejias)

vuukle comment

ALDRIN ST.

ARMANDO LANORIO

BINANGGIT

CARMELO PAGADIA

CENTRAL POLICE DISTRICT

FAR EASTERN UNIVERSITY

FAUSTINA SUBDIVISION

JHAY MEJIAS

PEREZ

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with