^

Metro

Septik tank services contractors hiling busisiin

-
Hiniling kahapon ng isang konsehal sa Quezon City na ipasa ang isang resolusyon na naglalayon na imbestigahan ang mga septic tank service contractors kung papaano at kung saan nila itinatapon ang mga dumi ng tao na sinisipsip mula sa mga poso negro ng kanilang mga kliyente.

Ayon kay Councilor Jorge Banal, sa kasalukuyan ay wala umanong malinaw na indikasyon kung saan at paano itinatapon ang naturang mga dumi na kinukuha ng mga septic tank service contractors sa kanilang mga kliyente.

Sinabi ni Banal na ang naturang dumi o ‘septic sludge’ ay isang ‘highly toxic waste material’ na maaaring makaapekto sa kalusugan ng mga tao kung hindi ito dinadala sa tamang tapunan.

Hindi lamang sa kalusugan ng tao makakaapekto ito, ani Banal, kundi maaari pa itong makaapekto sa tubig na dumadaloy sa mga tubo na maaaring maging sanhi ng kontaminasyon sa pamamagitan nang pagdaan ng mga ito sa mga tubong may butas.

Upang maagapan kailangan umano ang isang agarang imbestigasyon sa mga naturang kontraktor at kailangan ding magkaroon ng regular na monitoring sa mga ito. (Ulat ni Doris Franche)

AYON

COUNCILOR JORGE BANAL

DORIS FRANCHE

HINILING

ISANG

QUEZON CITY

SINABI

ULAT

UPANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with