^

Metro

Kidnappers ng 14-anyos na anak ng doctor, tukoy na

-
Nagpapanggap umanong mga operatiba ng pulisya ang kidnap-for-ransom (KFR) group na gumagala sa Metro Manila na siya ring responsable sa pagkidnap sa isang 14-anyos na dalagitang anak ng isang doktor sa Mandaluyong City, kamakalawa.

Ito ang inihayag kahapon ng isang opisyal ng PNP kasabay nang pagsasabing tukoy na nila ang grupong dumukot kay Angela Dee Pineda dahil sa nakitang kakaibang pattern o istilo ng operasyon ng mga kidnappers na nagsasagawa ng kidnapping sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila.

Sinabi ng opisyal na bahagi ng modus operandi ng naturang grupo ang magsuot ng mga t-shirt ng PNP upang magpanggap na mga pulis at ng sa gayon ay madali ang mga ito sa pagsasagawa ng kanilang ilegal na aktibidades.

"Pinag-aaralan na namin iyong pattern ng operasyon nila sa tuwing aatake ay laging nakasuot ng police uniform. May isang grupo kaming kilala na ganyang-ganyan pero subject pa for further verification pa rin," paglalahad pa ng naturang opisyal.

Samantala, naglunsad na ng operasyon ang PNP para mabilis na madakip ang dumukot sa anak ni Dr. Vinsons Pineda, isang kilalang dermatologist. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ANGELA DEE PINEDA

DR. VINSONS PINEDA

JOY CANTOS

MANDALUYONG CITY

METRO MANILA

NAGPAPANGGAP

PINAG

SAMANTALA

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with