^

Metro

1,000 preso sa Bilibid palalayain sa Pasko

-
Nakatakdang palayain sa darating na Pasko ang mahigit isang libong bilanggo sa New Bilibid Prison (NBP) bilang magandang regalo sa mga pami-pamilya nito.

Ayon kay NBP Director Ricardo Macalla, base sa impormasyon na natanggap niya mula sa Department Of Justice (DOJ), tinatayang mahigit sa isang libong bilanggo ang nakatakdang patawan ng parole sa darating na buwan ng Disyembre.

Ang nakatakdang pagpapalaya sa mga bilanggo ay bilang bahagi ng programa ng pamahalaan hinggil sa mga presong may mga magandang record habang sila ay nakakulong.

Ang nasabing programa ay bilang regalo ng pamahalaan sa mga pami-pamilya nito sa tuwing sasapit ang buwan ng Kapaskuhan.

Napag-alaman na sa tuwing huling buwan ng taon o sasapit ang Pasko, ang DOJ ay nagpapalaya ng mga bilanggo base sa kautusan ng Pangulo ng bansa bilang gantimpala sa mga bilanggong may magagandang record. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

DEPARTMENT OF JUSTICE

DIRECTOR RICARDO MACALLA

DISYEMBRE

KAPASKUHAN

LORDETH BONILLA

NAKATAKDANG

NEW BILIBID PRISON

PASKO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with