2 Pinay na illegal recruiter nasakote sa Macau
November 11, 2001 | 12:00am
Dalawang illegal recruiter na bumiktima ng 39 undocumented workers ang pinabalik sa bansa kahapon makaraang mahuli ng mga tauhan ng Philippine Consulate sa Macau.
Ang mga suspect ay nakilalang sina Zita Q. Tangonan, alyas Carol Fatima Tangonan-Moosalouh, 32, ng Ermita, Manila; at Maryneil A. Lasam, 42, ng Maricaban, Pasay City.
Sila ay dinakip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pangunguna ni Rolando Magbayao makaraang dagsain ng mga complainant ang kanilang pagdating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) lulan ng Air Macau flight 852 mula sa Macau, China.
Base sa isinagawang imbestigasyon, napag-alaman na nakalikom ng mahigit sa P2.9 milyon ang mga suspect mula sa mga biktima na karamihan ay galing sa northern at central Luzon na pinangakuan ng matatag at magandang trabaho sa Macau.
Ayon sa mga biktima, 8 ang nakaalis noong Set. 18, 13 noong Set. 29 at 6 noong Okt. 6.
Sinabi ng mga biktima na kinumbinsi sila ni Moosalouh na mag-apply sa Macau bilang mga waites, waitresses at casino dealer.
Nagtungo umano ang mga biktima sa Princess Photo Shop sa Padre Faura na pag-aari umano ni Moosalouh kung saan nagbayad sila ng P65,000 bawat isa at US$200 pagdating sa Macau.
Idinagdag ng mga biktima na pagdating sa Macau, pansamantala silang nanirahan sa isang flat na inuupahan ng mga suspect habang hinihintay ang pangakong trabaho.
Subalit ilang linggo na ang nakalilipas ay wala pa rin silang mapasukan.
Kaagad silang dumulog sa tanggapan ni Labor Attache Vic Ablan na siyang tumulong upang makabalik ang mga biktima sa Pilipinas.
Nanawagan naman si Ablan sa mga Pilipinong nagnanais na magtrabaho sa Macau na mag-iingat dahil walang trabahong nakalaan sa mga dayuhan dahil mas binibigyang-halaga ng Macau ang kanilang mga kababayan. (Ulat ni Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended