^

Metro

P6-M shabu nasamsam sa 3 drug traffickers

-
Tatlong hinihinalang big-time drug traffickers ang naaresto ng mga operatiba ng Philippine National Police-Narcotics Group (PNP-Nargroup) kasabay ng pagkakakumpiska sa may tatlong kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6 milyon sa isinagawang magkahiwalay na operasyon sa Metro Manila.

Kinilala ni PNP-Nargroup Director P/Chief Supt. Reynor Gonzales ang mga suspect na sina Rogelio Pediongco alyas Jun, 36; Rodolfo Andres, 69, at asawa nitong si Cristina Javier, 47.

Sinabi ni Gonzales na si Pediongco, tubong Baguio City at pansamantalang nakatira sa Binondo, Manila ay unang naaresto matapos itong magbenta ng isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P2M sa isang poseur-buyer ng PNP-Nargroup sa bisinidad ng Pharoah Hotel sa Dasmariñas St. corner Sta. Cruz, Manila dakong alas-6 ng gabi noong nakalipas na Huwebes.

Sumunod namang bumagsak sa mga ahente ng PNP-Nargroup ang mag-asawang drug traffickers matapos na damputin ang mga ito sa harapan ng Cuneta Astrodome sa kahabaan ng Roxas Blvd., Pasay City kamakalawa.

Ang mag-asawa, residente ng Calamba City, Laguna ay naaresto naman sa aktong nagbebenta ng dalawang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P4M sa isang undercover agent ng PNP-Nargroup’s Intelligence Division sa pamumuno ni Supt. Pancho Hubilla.

Kaugnay nito, inimpound naman ng mga awtoridad ang jeepney ng mag-asawa na may plakang DRJ-371 na umano’y siyang ginagamit sa pagde-deliver ng droga.

Samantala, patuloy naman ang isinasagawang operasyon upang maaresto ang isang Chinese drug lord na umano’y siyang pinagkukunan ng illegal na droga ni Pediongco. Ang nasabing Chinese national ay nakabase umano sa Manila Chinatown district.

Gayunman, tumanggi si Gonzales na tukuyin ang pangalan ng nasabing Chinese drug lord upang hindi mabulilyaso ang isinasagawa nilang dragnet operation laban dito.

Ang mga nakumpiskang droga ay inilagay na sa storage room ng PNP Crime Laboratory sa Camp Crame habang inihahanda ang isasampang kasong drug trafficking na may katapat na parusang kamatayan laban sa mga naarestong suspect.(Ulat ni Joy Cantos)

BAGUIO CITY

CALAMBA CITY

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

CRIME LABORATORY

CRISTINA JAVIER

CUNETA ASTRODOME

GONZALES

INTELLIGENCE DIVISION

NARGROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with