Shootout: 2 holdaper patay, 1 pa sugatan
November 8, 2001 | 12:00am
Dalawang holdaper ang nasawi, habang isa pa ang malubhang nasugatan makaraang makipagpalitan ng putok sa mga tauhan ng pulisya sa bigong panghoholdap sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.
Namatay habang ginagamot sa Quezon City General Hospital ang dalawang holdaper na nakilalang sina Ronnie Tanhueco, alyas Bunso, 22 at Ronaldo Remigo, 38.
Isa pa nilang kasamahan na nakilalang si Renato Javier, alyas Jun Saksak ay sugatan at ginagamot din sa nabanggit na pagamutan.
Batay sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-6 ng gabi sa kahabaan ng Quezon Avenue, Sitio San Isidro, Brgy. Pag-Asa, Quezon City.
Napag-alaman na sumakay ang tatlong suspect sa minamanehong taxi ni Celedonio Caimen, 42, at nagpapahatid ang mga ito sa Fairview.
Malapit na sila sa Phil. Children Medical Center nang mapansin ng driver na si Caimen na may nakasukbit na baril sa baywang ng kanyang mga pasahero kaya agad niyang itinabi ang taxi at saka mabilis na bumaba at humingi ng tulong.
Agad namang nakatawag ng pansin sa mga pulis na nakatayo sa magkabilang kanto ng Quezon Avenue sa paghingi ng tulong ni Caimen kaya mabilis silang nagresponde.
Dahil dito nabulabog naman ang tatlong suspect na nagsibaba na rin ng taxi subalit nakita ang mga pulis na agad nilang pinaputukan.
Gumanti naman nang pagpapaputok ang mga pulis na nagresulta sa pagkasawi ng dalawa sa mga suspect at pagkasugat ng isa pa. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended