Puganteng Hapones na wanted sa multi-million yen robbery, timbog
November 8, 2001 | 12:00am
Inaresto ng mga elemento ng Bureau of Immigration kamakalawa ang isang puganteng Hapones na wanted sa kanilang bansa sa kasong large scale robbery.
Kinilala ni BI Commissioner Andrea Domingo ang suspect na si Yayushi Kishikawa na naaresto dakong alas-10:30 ng umaga sa Chowking Fastfood sa Mandaluyong City.
Ayon kay Domingo, tatlong linggo nang pinaghahanap si Kishikawa alinsunod sa naging kahilingan ng Embahada ng Hapon.
Nabatid na nagawang pumuslit ng kanilang bansa ng suspect patungong Pilipinas gamit ang isang pekeng pasaporte na nakapangalan sa isang Fukumi Shimogawara.
Isang warrant of arrest ang ipinalabas ng Okazaki Court noong Setyembre 19, 2001 makaraang mapatunayang nagkasala ito ng pagnanakaw ng halagang 8.63 million Yen sa isang pinball parlor sa Japan noong nakalipas na Hulyo ng taong kasalukuyan.
Nabatid na naging madali ang ginawang pagnanakaw ng suspect dahil sa kaalaman nito sa pasikut-sikot sa loob ng Pachinko Shinjuko parlor na kung saan dati itong empleyado. (Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended