^

Metro

Nasawing mekaniko sa bomb explosion hinihinalang terorista

-
Malaki ang posibilidad na konektado o siya mismo ang taga-gawa ng bomba ng grupo ng terorista ang nasawing mekaniko sa naganap na bomb explosion sa Muntinlupa kamakalawa ng umaga.

Hanggang sa ngayon ay patuloy pa ring nahihiwagaan ang pulisya sa pagkatao ng nasawing si Henry Hidalgo, 38 dahil maging ang mga kamag-anak nito ay walang masabi tungkol sa trabaho nito maliban lamang sa nalaman nila na nagpa-convert ito sa Islam.

Lalong lumaki ang paniwala ng pulisya na kabilang ang nasawi sa grupo ng terorista lalo’t narekober dito ang may 20 kilong powder at mga paraphernalia na ginagamit sa paggawa ng bomba.

Sinabi naman ni Tess Valencia, chief Public Information Office (PIO) ng Muntinlupa City Hall na ayon na rin sa iba pang kaanak ni Hidalgo, ito umano ay may diprensiya sa pag-iisip, nasangkot na umano ito sa pagpapasabog sa isang barangay hall ilang buwan na ang nakakaraan.

Nabatid pa na madalas na nagkukulong sa bahay si Hidalgo at kung lalabas naman ay sa gabi na at nagsusuot pa ng wig upang hindi makilala ng mga taong makakasalubong niya.

Napag-alaman pa rin sa pulisya na bukod sa pagkakaroon nito ng dalawang kasong pagpatay, si Hidalgo ay dating bodyguard ng isang politiko na hindi binanggit ang pangalan sa probinsiya nito sa La Union. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

HANGGANG

HENRY HIDALGO

LA UNION

LALONG

LORDETH BONILLA

MALAKI

MUNTINLUPA

MUNTINLUPA CITY HALL

PUBLIC INFORMATION OFFICE

TESS VALENCIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with