Ayon kay Torres, hindi na halos mapigilan ng BFAD ang paglipana ng mga counterfeit drugs sa mga key cities sa bansa at lalo na sa mga malalayong lalawigan kung saan sinasamantala ito ng isang malaking sindikato na responsable sa pagpapakalat nito.
Kinategorya din ni Torres na ang lahat ng mga gamot, pagkain, inuming mineral at iba pang gamit pambalat na hindi nakarehistro sa BFAD ay peke o substandard.
Nabatid na kaya binigyang-pansin ito ni Torres ay dahil na rin sa paglipana ng mga cosmetic products at iba pang skin whiteners at toothpaste na pawang may mga foreign markings na galing China, Malaysia at Indonesia.
Sinabi ni Torres na dapat iwasan ang mga ito dahil na rin sa ang mga ito ay counterfeit at hindi tunay na mga imported at hindi kailanman dumaan sa kanilang tanggapan para maaprubahan kung ito man ay ligtas gamitin o dapat na i-ban. (Ulat ni Andi Garcia)