Chinese national inaresto sa pinekeng temporary residence visa
November 7, 2001 | 12:00am
Inaresto kahapon ng mga tauhan ng immigration sa Ninoy Aquino International Airport ang isang Chinese national makaraang magtangka itong umalis ng bansa taglay ang isang dinuktor na pasaporte.
Kinilala ni Commissioner Andrea Domingo ang nadakip na suspect na si Xie Lian Pang na naabutan sa NAIA departure area habang papasakay sa Philippine Airlines flight na patungong Xiamen, China.
Sinabi ni Domingo na si Xie ay naaresto ng mga tauhan ng immigration makaraang mapansin ng mga ito na mayroong pekeng tatak ang kanyang visa sa extension ng kanyang temporary residency.
Ang temporary residence visa o TRV ay ipinagkakaloob ng Bureau of Immigration sa lahat ng mga dayuhan na nakapag-asawa ng Filipina.
Sinabi ni Susan Revidad na agad niyang napuna na ang suspect ay nagtataglay ng pekeng TRV dahil ito ay mayroon pang headings na Commission on Immigration and Deportation (CID) na hindi na ginagamit ng kawanihan dahil sa BID na ang siyang ginagamit. (Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am