^

Metro

Estudyante napatay sa fraternity war

-
Isang 15-anyos na binatilyo ang nabaril at napatay ng kanya umanong mga kalaban sa fraternity, samantalang isa sa tatlong suspect ang naaresto sa naganap na frat war, kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Nasawi habang ginagamot sa Manila Central University Hospital sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo ang biktimang nakilalang si Adrian Macaranas, estudyante, ng 142 Duhat St., Bagong Barrio ng naturang lungsod.

Samantala, nadakip naman sa isinagawang follow-up operation ang isa sa mga suspect na nakilalang si Michael Martin, 21, habang patuloy namang pinaghahanap ang dalawa pang kasamahan nito.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-3:45 ng madaling-araw ng maganap ang insidente habang naglalakad ang biktima kasama ang kanyang kaibigan sa kahabaan ng Katarungan St. ng bigla na lamang itong lapitan ng kalabang miyembro ng fraternity at malapitang pinaputukan ng baril.

Napag-alaman na bago naganap ang pamamaril ay sumiklab ang rambol sa pagitan ng grupo ng NTR na kinaaaniban ng biktima at ng miyembro ng ESQ gang na kinabibilangan ng mga suspect.

Habang nasa kainitan ng rambol ay bigla na lamang nagpulasang tumakbo ang dalawang grupo, papalayo na rin ang biktima nang barilin ito ng mga suspect. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

ADRIAN MACARANAS

BAGONG BARRIO

CALOOCAN CITY

DUHAT ST.

GEMMA AMARGO

HABANG

ISANG

KATARUNGAN ST.

MANILA CENTRAL UNIVERSITY HOSPITAL

MICHAEL MARTIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with