Ang dalawang biktima na kapwa nagtamo ng first degree burn ay nakilalang sina SFO4 Rolando Encipido at Romeo Lorrencio.
Sa rekord ng Bureau of Fire Protection, naganap ang unang sunog dakong alas-8:45 ng gabi sa Sampaloc Maynila sa tahanan ng isang Rosenda Sonega na nasa panulukan ng Mindoro at Mindanao St. sa nabanggit na lungsod. Sampung kabahayan ang naabo sa naganap na sunog na naapula ganap na alas-10:30 ng gabi.
Ang ikalawang sunog ay naganap naman sa Tondo Maynila sa tahanan ng isang Leticia Evasco na nasa Dagupan St., dakong alas-12 ng hatinggabi. May sampung barung-barong din ang naabo sa sunog kabilang na ang tahanan ng pamilyang Lorrencio na nagtamo ng lapnos sa katawan makaraang mabagsakan ng nagbabagang kahoy nang tangkain nilang ilabas ng bahay ang kanilang mga kagamitan.
Samantalang ang ikatlong sunog ay naganap dakong ala-1:21 ng madaling araw sa kanto ng Solano sa Intramuros na dito anim na bahay ang natupok ng apoy.
Tinatayang aabot sa P4.5 milyong halaga ng mga ari-arian ang naabo sa magkakasunod na sunog.
Kabilang sa dahilan ng sunog ay ang napabayaang kandila o gasera na ginamit dahil sa blackout. (Ulat ni Ellen Fernando)