Tinaguriang Bonnie and Clyde ang mga nadakip na sina Antonio Tulipas, 26 at ka-live-in nito na si Gemma Gidoc, 28.
Ayon sa pulisya, ang pagkakadakip sa dalawa ay isinagawa dakong ala-1:30 ng madaling araw sa pinaglulunggaan ng mga ito sa 86 Tanza St., Navotas.
Napag-alaman na ang dalawa ay sangkot sa pagdukot kina Benedict Cheung, isang Singaporean at Jolly Chan, isang Hong Kong national noong nakalipas na Abril ng taong kasalukuyan.
Dinukot ang dalawang dayuhan sa may kahabaan ng Jose Abad Santos St. sa Manila kung saan nakapagbigay ang mga ito ng ransom na P7 milyon kapalit ng kanilang kalayaan.
Bukod sa kidnapping positibo din ang grupo nina Tulipas sa panghoholdap sa sangay ng Mercury sa Sta. Teresita sa Quezon City noong Agosto 26, 2001 dakong alas-10:10 ng gabi.
Isa pang Mercury Branch sa España noong Setyembre 16 ng taong kasalukuyan.
Nasamsam sa mga nadakip ang isang kalibre.45 baril at mga bala. (Ulat ni Jhay Mejias)