Bomb explosion: Mekaniko patay, isa pa sugatan
November 6, 2001 | 12:00am
Isang murder suspect ang iniulat na nasawi, samantalang isa pa ang nasugatan matapos na sumabog ang isang bomba na ginagawa ng una, kahapon ng madaling-araw sa Muntinlupa City.
Nasawi noon din ang biktimang si Henry Hidalgo, 38, isang mekaniko, at naninirahan sa Block 5-1, Lot 28, Jade Heights, Victoria Homes, Brgy. Tunasan ng nabanggit na lungsod.
Samantala nakilala naman ang nasugatan na si Garry de Leon, ng nabanggit na lugar.
Base sa isinagawang pagsisiyasat ni SPO4 Armando Alambro, ng Muntinlupa Police naganap ang insidente dakong alas-12:45 kahapon ng madaling araw sa bahay ng biktima.
Ayon sa pulisya, may hinala silang gumagawa ng bomba si Hidalgo nang sumabog ito. Dahil sa malakas na pagsabog ay nagkahiwa-hiwalay ang mga kamay nito at agad na binawian ng buhay, nawasak din ang buong kabahayan nito.
Napag-alaman na natagpuan ng pulisya ang mga kagamitang ginagamit sa paggawa ng bomba at kinumpirma din ng mga awtoridad na isang home made bomb ang sumabog.
Ayon sa pulisya, napag-alaman na si Hidalgo ay may dalawang kasong pagpatay sa nabanggit na lungsod at sa Pangasinan noong 1999.
Masusi pang sinisiyasat ng pulisya ang anggulong terorismo. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended