^

Metro

Trader patay sa salpok ng FX

-
Isang lalaking negosyante ang namatay matapos masagasaan ng isang FX habang patungo sa ospital upang bisitahin ang kanyang ina kamakalawa ng gabi sa Navotas.

Namatay kaagad sa lugar ng insidente sanhi ng pagkabasag ng bungo ang biktimang si Vic Marabel na residente din ng nasabing bayan.

Samantala, patuloy namang pinaghahanap ng pulisya ang hindi nakikilalang suspect na driver ng Tamaraw FX na may plate no. TPK-881 na mabilis na tumakas matapos ang naturang insidente.

Lumalabas sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Raymundo Bautista, dakong alas-9 ng gabi nang maganap ang insidente sa harapan ng Youngstown Sardines factory na matatagpuan sa R-A sa Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS).

Ayon sa kapatid ng biktima na si Norlyn Marabe, 39, anyos nakita umano niya kung paanong tumilapon ang kanyang kapatid dahilan sa lakas ng impact ng pagkakabangga dito ng van.

Idinagdag pa nito na patungo umano sila sana sa ospital upang bisitahin ang kanyang ina na may sakit, subalit hindi na umano nila ito nagawa dahilan sa nasabing aksidente. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

AYON

BRGY

GEMMA AMARGO

IDINAGDAG

ISANG

NORLYN MARABE

NORTH BAY BOULEVARD SOUTH

RAYMUNDO BAUTISTA

VIC MARABEL

YOUNGSTOWN SARDINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with