^

Metro

Magkaibigan nagtalo sa pagandahan ng boses, isa patay

-
Isang 27-anyos na binata ang nasawi makaraang barilin ng kanyang kaibigan na kasama niyang umiinom sa isang videoke bar makaraang magtalo dahil sa kung sino sa kanila ang mas may magandang boses sa pagkanta kahapon ng madaling araw sa Tondo, Manila.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa Mary Johnston Hospital sanhi ng isang tama ng baril sa batok na lumabas sa kanyang mukha ay nakilalang si Ronnie Aragon, ng 401-C Interior St., Tondo.

Tumakas naman ang suspect sa pamamaril na nakilalang si Ricky Herrera, walang permanenteng tirahan dala ang di pa malamang kalibre ng baril.

Batay sa imbestigasyon ni Detective Rodelio Lingcong, Officer-on-case ng Western Police District-Homicide Section, dakong alas-12:05 ng madaling araw nang maganap ang pamamaril sa loob ng Odyssey video bar sa Pitong Gatang at Bangkusay St., Tondo.

Nabatid na nagtatalo ang dalawa sa kung sino sa kanila ang may mas maganda ang boses. Nauwi sa kantahan ang pagtatalo nang dalawa pero napikon ang suspek dahil sa kantiyaw na mas magaling ang biktima.

Makaraan ang ilang oras ay tinambangan ng suspek ang biktima sa labas ng videoke bar at kaagad na binaril ito ng nakatalikod. (Ulat ni Andi Garcia)

ANDI GARCIA

BANGKUSAY ST.

BATAY

C INTERIOR ST.

DETECTIVE RODELIO LINGCONG

MARY JOHNSTON HOSPITAL

PITONG GATANG

RICKY HERRERA

RONNIE ARAGON

WESTERN POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with