Driver nangulimbat ng kawad ng telepono, nakuryente, todas
November 4, 2001 | 12:00am
Isang truck driver ang nasawi makaraang makuryente habang nagnanakaw ng kawad ng telepono sa itaas ng poste, kahapon ng madaling-araw sa Intramuros, Maynila.
Kinilala ni Western Police District-Homicide Section Chief Insp. Johnny Taluban ang biktima na namatay noon din na si Ramonito Yuson, may asawa, 37, at residente ng Block 11, Phase 4, Package 4, Bagong Silang, Caloocan City.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ni Det. Raul Olivario, may hawak ng kaso, dakong alas-5:20 kahapon ng madaling-araw nang maganap ang naturang insidente sa tapat ng Club Intramuros.
Nabatid pa ng pulisya na ang biktima ay may dalang isang mahabang kahoy na may nakapulupot na goma at lagaring bakal sa dulo nito ay umakyat sa poste ng Meralco upang nakawin umano ang mga kawad ng telepono.
Dahil sa pagmamadali ng biktima na makaputol ng mahaba-habang kawad ng telepono, hindi marahil nito napansin na napadikit sa mga tension wire ang may bakal na parte ng kanyang hawak na nagresulta upang makuryente ito at ilang saglit pa ay nahulog.
Nadiskubre na lamang ang bangkay ng biktima ni Richard Oliban, 35, security guard ng naturang golf course nang magsagawa ito ng pagpapatrulya sa palibot ng naturang palaruan.
Ayon pa kay Oliban, ilang beses na silang napagnakawan ng kawad ng telepono kung kayat iniutos sa kanila ng namamahala sa naturang golf course na magmanman sa paligid nito.
Idinagdag pa nito na maaaring nakita siya ng biktima na parating kung kayat nagmamadali itong bumaba ngunit minalas na madikit sa high tension wire ang kanyang hawak na bakal. (Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended