^

Metro

Balikbayan timbog sa mga dalang baril at bala

-
Isang balikbayan ang dinakip ng mga kagawad ng Bureau of Customs (BoC) sa Centennial Terminal 2 nang tangkaing magpuslit ng dalawang baril at mga bala na walang kaukulang lisensiya.

Kinilala ni Atty. Adelina S. Molina, NAIA deputy collector for passenger services ang suspect na si Alexander Salillas, 61, isang US citizen, may hawak ng US passport at nakatira sa 91 Mapang-akit St., Diliman, Quezon City.

Si Salillas ay dumating kahapon bandang alas-3:45 ng umaga buhat sa Los Angeles, California lulan ng Philippine Airlines flight PR 103.

Nakumpiska buhat sa suspect ang isang cal. 25 pistol model VP-25, na may markang "Firearm Int’l"; dalawang cal. 25 magazine na may 12 pirasong bala; isang cal. 32 pistol na may markang "Guardian North American Arms"; dalawang cal. 32 magazines na may 12 pirasong bala.

Sa isinagawang imbestigasyon, kasalukuyan umanong idinadaan ang kulay brown na suitcase ng suspect sa x-ray inspection nang mapansin ni John Torquiza, isang empleyado ng Customs na nakatalaga sa x-ray scanning unit ang imahe ng baril sa loob ng suitcase.

Kaagad na minarkahan ni Torquiza ng "X" ang bagahe ng suspect upang idaan sa isang masusing pagsusuri.

Nang pabuksan ng mga awtoridad ang bagahe ng suspect, tumambad ang mga baril at bala na nakabalot sa lumang damit. (Ulat ni Butch M. Quejada)

ADELINA S

ALEXANDER SALILLAS

BUREAU OF CUSTOMS

BUTCH M

CENTENNIAL TERMINAL

FIREARM INT

GUARDIAN NORTH AMERICAN ARMS

JOHN TORQUIZA

LOS ANGELES

PHILIPPINE AIRLINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with