^

Metro

Walang pambili ng kandila at bulaklak, barker nang-agaw ng cellphone, tiklo

-
Sa kagustuhang makapag-alay ng bulaklak at makapagtirik ng kandila sa yumao niyang mga mahal sa buhay, isang barker ang nang-agaw ng cellphone sa isang dalagang lulan ng pampasaherong jeep, gayunman minalas na madakip ng mga tauhan ng Central Police District sa Quezon City, kahapon.

Nakilala ang nadakip na suspect na si Jojo Dorado, 31, ng Bravo Junkshop, Luzon Avenue, Tandang Sora ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat ng pulisya naganap ang insidente dakong alas-11:00 ng tanghali sa kanto ng Aurora Blvd. at C. Benites St. sa Cubao.

Ayon sa salaysay ng biktimang si Melita Fiesta, 29, dalaga, sales assistant at naninirahan sa Camarin Road, Novaliches na nakasakay siya sa isang pampasaherong jeep patungong Cubao nang biglang lumapit sa estribo ang suspect at nagkunwaring magtatawag ng pasahero.

Nang maispatan nito na may hawak na cellphone ang biktima ay bigla nitong inagaw sa huli.

Gayunman, minalas ang suspect nang maispatan agad siya ni PO3 Maximo Maglalang na noon ay nagroronda at agad itong hinabol hanggang sa maabutan.

Ikinatuwiran ng suspect sa pulisya na kaya nagawa niya na manghablot ng cellphone ay dahil nais niyang makabili ng magagandang kandila at bulaklak sa yumao niyang kapatid para sa Araw ng mga Patay. (Ulat ni Jhay Mejias)

vuukle comment

AURORA BLVD

BENITES ST.

BRAVO JUNKSHOP

CAMARIN ROAD

CENTRAL POLICE DISTRICT

CUBAO

JHAY MEJIAS

JOJO DORADO

LUZON AVENUE

MAXIMO MAGLALANG

MELITA FIESTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with