Brgy. chairwoman prinotesta ng kanyang mga nasasakupan
November 1, 2001 | 12:00am
May 1,000 residente ng Port Area, Manila ang nagrali kamakalawa ng gabi sa harapan ng barangay hall upang agarang patalsikin sa puwesto ang kanilang punong barangay sa Baseco Compound ng nasabing lugar.
Ayon sa mga residente, sila ay nagprotesta laban kay Chairwoman Teresita Lumactud ng Barangay 649 Zone 68, matapos na lumabas ito sa isang programa sa telebisyon at umanoy siraan ang kanilang barangay.
Sinabi ng mga residente na imbes na pagtakpan niya ang kanyang nasasakupan ay isiniwalat pa nito sa publiko ang mga ilegal na nagaganap dito na para bang masamang-masama na ang mga taong naninirahan dito.
Ipinagsigawan na rin ng mga residente ang umanoy pang-aabusong ginagawa ng kanilang punong-barangay. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest