^

Metro

Traffic enforcer sinabuyan ng asido sa mukha ng selosang lover

-
Dahil sa matinding selos at galit, nawasak ang mukha ng isang traffic enforcer matapos itong dalawang beses na sabuyan ng asido sa mukha ng kanyang live-in partner, kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Kasalukuyang sumasailalim sa operasyon sa Tondo Medical Center matapos na masunog nang husto ang mukha ng biktimang si Teodorico Resureccion, 49, ng Phase 2 Package 2 Blk 53 Lot 6 Bagong Silang ng naturang lungsod at traffic enforcer ng Department of Public Safety and Traffic Management (DPSTM).

Kaagad namang naaresto ang live-in partner nito na si Nimpha Orlino, 43.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-9 ng umaga ng magkaroon ng pagtatalo ang dalawa dahilan sa umano’y pagseselos ng suspect sa biktima dahilan sa madalas na ma-tsismis na may ibang babae ito.

Sa kainitan ng pagtatalo ay bigla na lamang kumuha ng bote ng asido ang suspect at binuhusan ang biktima sa mukha.

Mabilis na dinala ng kanilang mga kapitbahay sa naturang ospital ang biktima subalit makalipas ang ilang minuto ay dumating sa pagamutan ang suspect at muling binuhusan ng asido sa mukha si Resureccion.

Ayon sa pulisya, matindi ang pagseselos at galit na naramdaman ng suspect na siyang nagtulak dito upang dalawang ulit na buhusan ng asido sa mukha ang kanyang ka-live-in.(Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

AYON

BAGONG SILANG

CALOOCAN CITY

DAHIL

DEPARTMENT OF PUBLIC SAFETY AND TRAFFIC MANAGEMENT

GEMMA AMARGO

KAAGAD

NIMPHA ORLINO

TEODORICO RESURECCION

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with