Judge na kaalyado ng convicted 'shabu queen' sinibak
October 31, 2001 | 12:00am
Pinatalsik na kahapon sa kanyang posisyon ng Supreme Court (SC) ang hukom na sinasabing kaalyado ni convicted shabu queen na si Yu Yuk Lai.
Nabatid mula sa isang per curiam decision ng Korte Suprema, nagkasundo ang mga mahistrado na tanggalin sa tungkulin si Judge Manuel Muro.
Magugunita na sinuspinde sa tungkulin si Muro dahil sa ginawa nitong pagpabor para makalabas si Lai ng Manila City Jail dahil sa katuwiran nitong siya ay magpapagamot. Subalit natuklasan na naglalaro lamang sa casino si Lai. Sa kabila ng naturang impormasyon ay pinalawig pa ni Muro ang araw para makalabas ng bilangguan si Lai.
Ayon sa SC, natuklasan na umabuso sa tungkulin si Muro kayat marapat lamang na masibak ito sa puwesto.
Nakasaad din sa desisyon ng Mataas na Hukuman na walang makukuhang anumang benepisyo si Muro at hindi na ito papayagan pang makabalik sa anumang puwesto sa gobyerno.
Batay sa ulat, dapat ay noon pa naipalabas ang desisyon laban kay Muro subalit hindi nakumpleto kaagad ang lagda ng mga mahistrado dahil nasa ibayong-dagat noong nakaraang linggo si SC Associate Justice Jose Vitug.
Base sa rekord ng SC, si Muro ay dinisiplina na rin noong araw makaraang siya ay suspindihin dulot ng paggamit nitong basehan ang isang ulat sa diyaryo para idismis ang kaso ni dating Unang Ginang Imelda Romualdez-Marcos na noon ay nasa kanyang sala.
Si Muro ay nakatakda sanang magretiro sa Mayo ng susunod na taon subalit bunga ng naturang desisyon ng SC ay hindi na nito makukuha pa ang anumang benepisyo bilang isang kawani ng gobyerno at isang miyembro ng hudikatura. (Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended