^

Metro

Lolo nahulog sa hukay, patay

-
Kapabayaan umano ang dahilan ng pagkamatay ng isang 75-anyos na lolo na nahulog sa 15 talampakang lalim na hukay na sinasabing proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH), kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Hindi pa nakikilala ang matandang biktima na tinatayang nasa edad na 70-75, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng puting t-shirt at short pants.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas- 6 ng gabi sa kanto ng Mindanao Avenue at E. Rodriguez sa Tandang Sora ng nasabing lungsod.

Ayon sa mga nakasaksi, naglalakad umano ang matanda at posibleng sa kalabuan ng mata ay hindi napansin ang hukay sa kanyang daraanan at tuloy-tuloy itong bumulusok at nahulog.

Mabilis na sumaklolo si Roger Perinasio ng Barangay Security Development Officer subalit ng maiahon ang matanda ay patay na ito sanhi ng tinamong malalim na sugat sa ulo.

Nabatid na ang nasabing hukay ay walang mga harang at wala man lamang nakasulat na babala. (Ulat ni Jhay Mejias)

vuukle comment

AYON

BARANGAY SECURITY DEVELOPMENT OFFICER

BATAY

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

JHAY MEJIAS

KAPABAYAAN

MINDANAO AVENUE

QUEZON CITY

ROGER PERINASIO

TANDANG SORA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with