Hindi na nakarating ng buhay nang isugod sa Family Hospital ang biktima na si Rogelio Gomez, walang trabaho, tubong Pampanga at nakatira sa No. 543 National Road, Purok 2, Brgy. Sucat ng lungsod na ito sanhi ng maraming tama ng bala ng baril sa ibat ibang bahagi ng katawan buhat sa kalibre .45 nito.
Samantala, ang hindi pa nakikilalang suspect ay mabilis na tumakas sakay ng isang kulay puting kotse na hindi pa batid ang numero ng plaka.
Sa imbestigasyon ni PO2 Rodel Torres, ng Criminal Investigation Division CID, ng Muntinlupa Police, dakong ala-1:15 ng madaling-araw habang naglalakad ang biktima kasama ang isang kaibigan nang muntik na silang masagasaan ng di-kilalang suspect.
Dahil dito, agad na sinita ni Gomez ang suspect hanggang sa magkaroon sila ng mainitang pagtatalo at nagbanta pa ang huli na babalik ito.
Matapos ang ilang minuto, dumating ang suspect na may hawak na baril at agad na pinaputukan ng sunud-sunod ang biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)