^

Metro

Binata nanita niratrat

-
Isang 21-anyos na binata ang nasawi matapos na pagbabarilin ng isang lalaking sinita nito matapos na muntik na siyang masagasaan habang naglalakad kasama ang kanyang kaibigan kahapon ng madaling-araw sa Muntinlupa City.

Hindi na nakarating ng buhay nang isugod sa Family Hospital ang biktima na si Rogelio Gomez, walang trabaho, tubong Pampanga at nakatira sa No. 543 National Road, Purok 2, Brgy. Sucat ng lungsod na ito sanhi ng maraming tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan buhat sa kalibre .45 nito.

Samantala, ang hindi pa nakikilalang suspect ay mabilis na tumakas sakay ng isang kulay puting kotse na hindi pa batid ang numero ng plaka.

Sa imbestigasyon ni PO2 Rodel Torres, ng Criminal Investigation Division CID, ng Muntinlupa Police, dakong ala-1:15 ng madaling-araw habang naglalakad ang biktima kasama ang isang kaibigan nang muntik na silang masagasaan ng di-kilalang suspect.

Dahil dito, agad na sinita ni Gomez ang suspect hanggang sa magkaroon sila ng mainitang pagtatalo at nagbanta pa ang huli na babalik ito.

Matapos ang ilang minuto, dumating ang suspect na may hawak na baril at agad na pinaputukan ng sunud-sunod ang biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BRGY

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

DAHIL

FAMILY HOSPITAL

LORDETH BONILLA

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA POLICE

NATIONAL ROAD

RODEL TORRES

ROGELIO GOMEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with