^

Metro

'Oplan kaluluwa' muling ipatutupad ng PNP sa Undas

-
Muling ipatutupad ng Philippine National Police ang kanilang "Oplan Kaluluwa" sa Araw ng mga Patay sa Nobyembre 1 upang tiyakin ang seguridad ng publiko.

Ayon kay PNP Spokesman, Chief Supt. Crescencio Maralit, magtatalaga ng daan-daang pulis sa buong bansa sa mga pangunahing lansangan patungo sa mga sementeryo upang ipatupad ang peace and order.

Bukod dito ay tutulong din ang mga pulis sa mga traffic enforcers sa pagsasaayos ng daloy ng trapiko mula sa mga nagdagsaang mga tao.

Kaugnay nito, kasama sa prayoridad nila ang pagbibigay ng seguridad sa Filipino-Chinese community sa nasabing araw.

Magpapatupad aniya ang PNP ng mahigpit na pagbabantay sa Fil-Chinese Community laban sa posibleng pag-atake ng kidnap-for-ransom group (KFRG) na maaaring manamantala at manabotahe sa pagdagsa ng milyong Pilipino sa araw ng Undas.

Sinabi pa ni Maralit na nakaalerto na rin ang buong puwersa ng PNP-National Capital Regional Police Office para sa ipatutupad na seguridad upang matiyak na magiging mapayapa at maayos ang gagawing paggunita ng Araw ng mga Patay.

Kaugnay nito, dobleng higpit sa seguridad ang ipinatutupad ngayon ng Department of Transportation and Communications (DOTC) sa lahat ng airports, pier, bus stations at sa Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT) para sa nasabing araw.

Sa isang pulong balitaan, nagdagdag na ng mga security guards at maging ang mga K-9 units ang LRT at MRT upang maiwasan na muling maganap ang insidente ng pambobomba noong nakalipas na Disyembre na ikinasawi ng marami katao.

Sinabi ni Land Transportation and Franchizing Regulatory Board (LTFRB) Chairman Dante Lantin na na may 65 na bus ang kanilang nabigyan ng special permits upang makapagbiyahe sa mga probinsya na may linya. (Ulat nina Joy Cantos at Danilo Garcia)

ARAW

CHAIRMAN DANTE LANTIN

CHIEF SUPT

CRESCENCIO MARALIT

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

FIL-CHINESE COMMUNITY

JOY CANTOS

KAUGNAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with