^

Metro

Hepe ng pulisya ng Malabon ginulpi

-
Pinagtulungang bugbugin ang Hepe ng Malabon Police Station kasama ang tatlo pa katao makaraang umawat sa away ng dalawang magkalabang grupo kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang mga biktima na kasalukuyang ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center na si Supt. Ernesto Fojas, 41, Hepe ng Malabon Police at residente ng 37 Victory Ave., Tatalon, Quezon City; Allan Padilla; Francisco Ceron at Ferdinand Oliveros, pawang mga empleyado ng St. Paul Billiards.

Kaagad namang nasakote ng mga tauhan ng Western Police District Station 7 ang mga suspect na sina Rene Loreto, Michael Lopez, Roverto Banting at Orlan Titoy, pawang mga residente ng Tondo, Maynila.

Sa imbestigasyon, dumalaw si Fojas sa kanyang kapatid sa may Limay St., Tondo nang bigla na lamang magkagulo dakong alas-2 ng madaling-araw sa loob ng isang bilyaran ang mga kabataan dito na umano’y miyembro ng True Brown Society o TBS at Bhone Thugs.

Agad na nagresponde si Fojas sa naturang kaguluhan subalit siya ang pinagbalingang gulpihin, nakawan ng cellphone at baril. (Ulat ni Andi Garcia)

ALLAN PADILLA

ANDI GARCIA

BHONE THUGS

ERNESTO FOJAS

FERDINAND OLIVEROS

FOJAS

FRANCISCO CERON

HEPE

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

LIMAY ST.

MALABON POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with