TV ad ng PLDT kinondena ng Pro Gay group
October 28, 2001 | 12:00am
Dahil sa paglalarawan sa third sex na isang karikatura at katawa-tawa ay hiniling ng militanteng grupo ng Pro Gay na kanselahin ng Philippine Long Distance Company (PLDT) ang kanilang bagong running commercial sa telebisyon.
Sa opisyal na pahayag ni Mario Atadero, tagapagsalita ng Pro Gay na hindi makatarungan ang pagpapakita sa isang baklang karakter na si Joey na nagkakalat ng tsismis at kasiraan ng kanyang kapwa dahil nabigo siya sa pag-ibig ni Billy.
Matatandaan na ang running commercial ng PLDT tungkol sa relasyong umiiral sa buhay ng pangunahing karakter at sa pagitan ng ina nito, ang nobya na si Gracia at ang ipinakikitang kontrabida na si Joey na kabilang sa third sex.
Ani Atadero ay taliwas ang naturang commercial sa pino-promote ng PLDT na "Keeping in touch" ang kanilang commercial dahil sa ito ay nakakainsulto at nakapagpapababa sa moral ng mga third sex.
Dahil dito, hiniling ng Pro Gay sa pamamagitan ng isang condemnation letter sa National Telecommunication at Kapisanan ng mga Broadkaster sa Pilipinas na i-ban ang nasabing commercial. (Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest