^

Metro

NFA sinabon ni Villar dahil sa pagkabigong malupig ang rice smugglers

-
Sinabon ni Senate President Pro Tempore Manuel Villar ang pamunuan ng National Food Authority (NFA) dahilan sa kawalan nito ng pagnanais na malupig ang rice smugglers sa bansa.

Ito ay matapos na aminin ni NFA Administrator Gregorio Tan na malaki ang posibilidad na nagagamit ang kanyang tanggapan sa pamamagitan ng recycling ng mga permits na siyang ipinapalabas ng tanggapan.

Sinabi ni Villar na siyang chairman ng Senate Committee on Agriculture and Food na malaki ang nawawala sa bansa sa pamamagitan ng buwis dahilan sa kabiguan ng NFA na matukoy kung alin ang mga palusot o hindi.

Batay sa alituntunin ng NFA, kanilang pinapayagan ang mga private rice importers na umaangkat ng bigas sa ibayong dagat ng maximum na 20,000 tonelada bawat taon sa bawat 800,000 tonelada na inangkat ng pamahalaan.

Tinatayang umaabot sa P5 bilyong halaga ng bigas ang naipapasok ng ilegal sa bansa bawat taon na siyang labis na nakasakit sa mga lokal na magsasaka at dumaya sa pamahalaan sa dapat na kunin na buwis. (Ulat ni Rudy Andal)

ADMINISTRATOR GREGORIO TAN

AGRICULTURE AND FOOD

BATAY

NATIONAL FOOD AUTHORITY

RUDY ANDAL

SENATE COMMITTEE

SENATE PRESIDENT PRO TEMPORE MANUEL VILLAR

SINABI

SINABON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with