Ang suspect na nakilalang si Gilbert de Asis, 25, residente ng Negros St., Sampaloc, Manila ay dinakip ng mga barangay tanod makaraang maaktuhan na hinahalay nito ang biktimang itinago sa pangalang Candy.
Ayon sa isinagawang imbestigasyon, nahuli ang suspect habang ang mga tanod ay nagsasagawa ng pagpapatrulya sa kahabaan ng Ligaya St. sa Sta. Ana, Manila.
Nagtaka umano ang mga tanod nang mapansing umuuga ang jeep na wala namang tao at ng kanilang silipin ay nakita nila sa loob ang ginagawang panghahalay ng suspect.
Sa salaysay ng biktima, sinabi nito na sapilitan siyang hinila at isinakay sa jeep ng suspect at doon pinagsamantalahan.
Nabatid na front lamang ng suspect ang kanyang pagiging bading para pagtiwalaan ng kanyang mga bibiktimahin. (Ulat ni Grace Amargo)