^

Metro

Bakla na nanggahasa inaresto

-
Isang 25-anyos na bakla ang dinakip makaraang mahuli ito sa aktong ginagahasa ang isang 13-anyos na batang babae sa loob ng jeep kahapon sa Sta. Ana Maynila.

Ang suspect na nakilalang si Gilbert de Asis, 25, residente ng Negros St., Sampaloc, Manila ay dinakip ng mga barangay tanod makaraang maaktuhan na hinahalay nito ang biktimang itinago sa pangalang Candy.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon, nahuli ang suspect habang ang mga tanod ay nagsasagawa ng pagpapatrulya sa kahabaan ng Ligaya St. sa Sta. Ana, Manila.

Nagtaka umano ang mga tanod nang mapansing umuuga ang jeep na wala namang tao at ng kanilang silipin ay nakita nila sa loob ang ginagawang panghahalay ng suspect.

Sa salaysay ng biktima, sinabi nito na sapilitan siyang hinila at isinakay sa jeep ng suspect at doon pinagsamantalahan.

Nabatid na ‘front’ lamang ng suspect ang kanyang pagiging bading para pagtiwalaan ng kanyang mga bibiktimahin. (Ulat ni Grace Amargo)

vuukle comment

ANA MAYNILA

ASIS

AYON

GRACE AMARGO

ISANG

LIGAYA ST.

NABATID

NAGTAKA

NEGROS ST.

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with