^

Metro

Timekeeper tinarakan ng construction worker

-
Sinaksak at napatay ng isang construction worker ang kanyang amo matapos na magkaroon ng mainitang pagtatalo, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nakatarak pa sa dibdib ng biktimang si Marvin Bautista, 23, timekeeper ang kutsilyong ginamit sa pananaksak ng madatnan ng mga nagrespondeng pulis. Agad itong dinala sa pagamutan subalit hindi na umabot pang buhay.

Samantala, patuloy namang pinaghahanap ng pulisya ang suspect na si Diolito Moriskita, 26.

Base sa ulat, naganap ang krimen dakong alas-8:30 ng gabi sa loob ng barracks ng Reycon Builders and Construction na nasa Maria Clara St., Caloocan City.

Napag-alaman na bago naganap ang insidente ay nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa matapos na komprontahin ng suspect ang biktima dahilan sa pagiging amo-amohan nito na hindi na umano matiis ni Moriskita.

Habang nasa kainitan ng pagtatalo mabilis na bumunot ng patalim ang suspect at inundayan ng saksak sa dibdib ang biktima na naging dahilan ng kanyang kamatayan. (Ulat ni Gemma Amargo)

CALOOCAN CITY

DIOLITO MORISKITA

GEMMA AMARGO

HABANG

MARIA CLARA ST.

MARVIN BAUTISTA

MORISKITA

NAKATARAK

NAPAG

REYCON BUILDERS AND CONSTRUCTION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with