Lider ng 'Esting Gang' timbog
October 27, 2001 | 12:00am
Bumagsak na kahapon sa kamay ng mga tauhan ng Philippine National Police ang itinuturong lider ng Esting Gang na dumukot sa mag-inang Chinese at sa driver ng mga ito kamakailan at nakapatay pa sa isang kagawad ng pulisya sa madugong search and rescue operation nitong nakaraang Miyerkules sa San Francisco del Monte sa Quezon City.
Sa ginanap na press briefing kahapon sa Camp Crame, kinilala ni National Anti-Crime Commission Anti-KFR Task Force (NAKTAF) chief Director Hermogenes Ebdane ang nadakip na si Ramon Go, dating US Navy serviceman, at residente ng San Francisco del Monte, Quezon City, samantalang itinuro din nito ang isa pa niyang tauhan na nadakip din ng mga awtoridad na si Armando Ambrosio, 28, ng Pasay City.
Si Go at si Ambrosio ay kasama ng apat na iba pang kidnappers na unang nadakip ng mga awtoridad sa isinagawang rescue operations noong nakaraang Lunes sa mga kidnap-victims na sina Evelyn Jao, 40; ang anak nitong si Aaron, 16 at driver na si Rolly Tugado.
Nakatakas ang dalawa sa gitna ng pagpapalitan ng putok na naganap sa pagitan ng kanilang grupo at mga awtoridad na dito nasawi si SPO4 Edmundo de Leon na nakatalaga sa National Capital Region Office Intelligence Group (NCROIG).
Si Go ay natunton ng mga awtoridad sa Samantha Village, Sapang palay, San Jose del Monte, Bulacan habang sakay ito ng motorsiklo.
Batay sa rekord, si Go ay sangkot din sa pagdukot sa isang Jake Ocampo sa Bulacan noong Mayo, 2000 kung saan humirit ang mga ito ng P150,000 ransom money.
Samantala, isa pang kidnapper na nakilalang si Lirio Concepcion, 20, na responsable sa pagdukot kay Nathaniel Corcuera, 7, na pamangkin nito habang palabas ng eskuwelahan sa San Ildefonso, Bulacan, kamakalawa.
Humingi ang suspect ng halagang P300,000 ransom sa mga magulang ng bata at matapos ang negosasyon ay inabandona na rin ang bata sa Sta. Rita sa bayan ng San Miguel, Bulacan. (Ulat nina Joy Cantos,Efren Alcantara at Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am