Mga pulis na tamad dumalo sa hearing inireklamo
October 26, 2001 | 12:00am
Dumulog kahapon ang mga state prosecutors sa liderato ng PNP upang ireklamo ang ilang kagawad ng pulisya na umanoy tamad na dumalo sa mga pagdinig ng mga kasong iniimbestigahan nila kung kaya nagre-resulta ito sa madalas na dismissal ng mga asunto.
Nabatid na isa ang nasabing suliranin sa mga inilatag na reklamo sa tanggapan ni PNP chief Director General Leandro Mendoza dahil naaasar na umano ang ilang huwes sa nakaugaliang pagbalewala ng mga pulis sa bawat itinatakdang pagdinig sa korte.
Dahil dito, inatasan ni Mendoza si P/Director Lucas Managuelod, PNP Director for Investigation and Detective Management (DIDM) na makipag-ugnayan sa National Prosecution Service ng Department of Justice upang makilala kung sinu-sinong mga pulis ang tamad na dumalo sa mga court hearings. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended