Magkapatid absuwelto sa kidnapping
October 25, 2001 | 12:00am
Hindi mapigilang mapaiyak at yakapin ng isang magkapatid sa Valenzuela City Regional Trial Court (RTC) si Judge Floro Alejo makaraang mapawalang-sala ang mga ito dahilan sa mga kasong kidnapping na isinampa sa kanila noong nakaraang taon.
Ang magkapatid na Jomel Penugo, 21, at Jackson, 18, ay pinawalang-sala ni Judge Alejo ng RTC Branch 127 bunga ng walang sapat na ebidensiya laban sa mga ito.
Ayon kay Judge Alejo, ang magkapatid ay inakusahan ng pagkidnap ng mga magulang ng biktimang si Babylyn Mindanao, 17, ng Pinalagan, Malinta, Valenzuela City.
Base sa rekord ng korte, buwan ng Marso ng nakalipas na taon ay inakusahan ang magkapatid ng puwersahang pagtangay kay Mindanao at sapilitan itong dinala sa lalawigan ng Isabela. Sa mga isinumiteng ebidensiya ng magkapatid at sa kabilang panig sa hukuman ay napaniwala ng mga ito si Judge Alejo na wala silang kasalanan at sa panig naman ng mga nagsasakdal ay hindi nila napatunayan sa hukuman ang kanilang ibinibintang sa magkapatid na akusado. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended