33 anyos nang-sex slave sa stepdaughter, arestado
October 25, 2001 | 12:00am
Isang 33-anyos na lalaki ang dinakip kahapon ng mga tauhan ng pulisya matapos nitong gawing sex-slave ang 7-anyos niyang anak-anakan sa loob ng limang taon sa Pasig City.
Kinilala ni Inspector Dominador Raymundo, hepe ng Pasig Warrant Division ang suspect na si Guillermo Cadano, ng Purok 3 Floodway, Barangay Sta. Lucia ng nabanggit na lungsod.
Si Cadano ay dinakip matapos bumalik sa kanilang bahay makaraang magtago ng may pitong buwan. Ito ay ipinaaresto ng kanyang kinakasamang si Liza.
Sa rekord ng pulisya, nakasuhan si Cadano ng tatlong bilang ng statutory rape nang halayin nito ang kanyang stepdaughter na noon ay pitong taong gulang pa lamang. Una niyang ginahasa ang biktima noong 1996. Maraming beses pa umano itong naulit sa tuwing wala ang ina ng bata.
Hindi umano niya ipinagtapat dahil sa ginawang pananakot ng suspect na papatayin siya at ang kanyang ina. Ang pinakahuling insidente umano ay naganap noong Hulyo ng nagdaang taon. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended