Marijuana queen timbog

Naaresto ng mga tauhan ng Drug Enforcement Group ng Malabon police ang isang 33-anyos na ginang na tinaguriang ‘marijuana queen’ matapos itong mahulihan ng mahigit sa isang kilo ng marijuana sa isinagawang operasyon, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Supt. Ernesto Fojas Jr., hepe ng Malabon police ang naarestong suspect na si Evangeline Lascano, ng Tugatog, Malabon City.

Base sa ulat, naganap ang pag-aresto dakong alas-7:30 ng gabi nang maaktuhan itong nagbebenta ng marijuana sa harap mismo ng kanyang bahay sa nabanggit na lugar.

Narekober pa sa pag-iingat nito ang isang bloke ng pinatuyong marijuana. (Ulat ni Gemma Amargo)

Show comments