^

Metro

6-anyos nabaril ng kapitbahay, patay

-
Isang 6-anyos na batang babae ang nasawi makaraang aksidenteng tamaan ng ligaw na bala mula sa kapitbahay nito habang nililinis ng huli ang kanyang baril sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Binawian ng buhay sa Quirino Labor Hospital ang biktimang si Caramia Recto ng Park 7 Compound, Brgy. Loyola Heights sa Quezon CIty, sanhi ng tinamong tama ng bala ng .38 kalibre ng baril sa kanyang kilikili.

Habang kusang sumuko naman sa pulisya ang suspect na si Oscar Lope Decis, 34, walang trabaho at kapitbahay ng biktima.

Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Dennis Basibas ng CPD-Criminal Investigation Unit, may hawak ng kaso, pasado alas-6 kamakalawa ng gabi nang maganap ang insidente sa nasabing compound.

Napag-alaman na kasalukuyan umanong nililinis ng suspect ang kanyang baril habang nagkataon ding naglalaro ang biktima kasama ang ibang mga bata di kalayuan sa bahay ng huli.

Ilang saglit pa habang pinupunasan ni Decis ang hawak niyang baril ay hindi sinasadyang nakalabit nito ang gatilyo at pumutok at saka tinamaan ang biktima na kasalukuyang naglalaro.

Nagulat na lamang ang suspect nang makita niyang nakabulagta ang biktima at duguan.

Kaagad namang isinugod ng suspect ang biktima sa nasabing pagamutan ngunit hindi na nagawang mailigtas pa ng mga doktor sanhi ng tinamo nitong tama sa kilikili na lumagos sa dibdib.

Sa ngayon ay sising-sisi ang suspect na kasalukuyang nakakulong sa nasabing himpilan at nakatakdang sampahan ng kasong homicide at illegal possession of firearms sa Quezon City Prosecutor’s Office. (Ulat ni Jhay Mejias)

BATAY

CARAMIA RECTO

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

DENNIS BASIBAS

JHAY MEJIAS

LOYOLA HEIGHTS

OSCAR LOPE DECIS

QUEZON CITY

QUEZON CITY PROSECUTOR

QUIRINO LABOR HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with