^

Metro

Pedicab driver binoga ng manliligaw ng anak, dedo

-
Isang 52-anyos na pedicab driver ang pinagbabaril at napatay ng masugid na manliligaw ng kanyang anak makaraang pagbawalan niya ito na umakyat ng ligaw, kamakalawa sa Valenzuela City.

Namatay noon din bunga ng tinamong mga tama ng bala sa katawan at ulo ang biktimang si Juan Delua, ng Brgy. Coloong 1, Valenzuela. Samantalang patuloy namang pinaghahanap ng pulisya ang suspect na si Willian Antonio, 25, at kapitbahay ng biktima.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Arnel Soriano, may hawak ng kaso dakong alas-2:40 ng hapon kamakalawa ng maganap ang insidente sa panulukan ng M.H Del Pilar St. at D. Santiago St., sa Malanday, Valenzuela City.

Napag-alaman na minamaneho ng biktima ang kanyang pedicab at binabagtas ang nasabing lugar ng biglang sumulpot ang suspect na sakay ng isang motorsiklo at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima.

Nabatid mula kay Norma, 46, asawa ng nasawi na masugid na manliligaw ng kanilang anak na si Elizabeth ang suspect subalit hindi umano boto dito ang kanyang asawa kung kaya’t inilalayo ang kanilang anak dahil na rin sa may-asawa na ang naturang suspect.

Nagtanim umano ng galit ang suspect sa biktima dahilan upang itakda nito ang pagpaslang. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

ARNEL SORIANO

BRGY

COLOONG

GEMMA AMARGO

H DEL PILAR ST.

ISANG

JUAN DELUA

SANTIAGO ST.

VALENZUELA CITY

WILLIAN ANTONIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with