Vendor kinatay ng mag-ama sa harap ng misis
October 23, 2001 | 12:00am
Inilunsad kahapon ng mga tauhan ng Western Police District ang isang manhunt operation laban sa mag-aama na umanoy brutal na pumatay sa isang 35-anyos na vendor na tinambangan sa harap ng kanyang asawa, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.
Nahaharap sa kasong murder ang mga suspect na nakilalang sina Bonifacio dela Cruz, 49 at ang mga anak na sina Jonard, 23 at Ronnie, 24, pawang nakatira sa 1887 Almeda St., Tondo, Maynila.
Nakilala naman ang biktima na si Ronald Lauz, ng nabanggit ding lugar.
Si Lauz ay patay na nang idating sa Jose Reyes Memorial Hospital sanhi ng tinamong mga tama ng bala at saksak sa katawan.
Sa isinagawang imbestigasyon ng WPD-Homicide Division dakong alas-6 ng gabi habang naglalakad papauwi ang biktima kasama ang kanyang asawang si Jennifer ay bigla na lamang sumulpot sa kanilang harapan ang mag-aamang suspect.
Mabilis na pinaputukan ang biktima ng isa sa mga suspect at upang matiyak na patay na ito ay pinagtulungan pa ng mga salarin na pagsasaksakin ito sa ibat-ibang parte ng katawan.
Mabilis na tumakas ang mga suspect nang matiyak na wala nang buhay ang biktima. Dinala nila sa pagtakas ang ginamit na baril at patalim.
Ayon sa inisyal na ulat matagal na umanong may galit ang mga suspect sa biktima sa hindi maipaliwanag pang dahilan kung kaya inabangan ito at saka pinaslang. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am