Ayon sa Department of Foreign Affairs, nag-refuel lamang umano at agad namang lumipad patungong Afghanistan ang nasabing mga eroplano at ito ay bahagi lamang ng inialok na suporta ng pamahalaan sa US sa pakikidigma nito laban sa terorismo.
Samantala, kinumpirma naman ng DFA na hindi natuloy ang takdang paglapag kahapon ng limang US C-130 aircraft at anim na F-18 supersonic war planes sa dati nitong base militar sa Clark.
Ang nasabing mga sasakyang panghimpapawid ng US na magmumula sa Kadena, Japan na may lulan na 160 mga miyembro ng tropa ng militar ay nakatakda sanang mag-refuel sa Clark Air Base kahapon subalit biglang naudlot. (Ulat ni Rose Tamayo)